140 BEST OF THE BEST PICK UP LINES

Oops… I did it again.
Here’s yet another uber-cheesy serving of 140 of the most favorite Pinoy pickup lines. Die from an overdosage. And since today is a Hot Fudge Sunday, I am actually featuring the music video made out of stick figures and of course pickup lines.
  1. Ang “Kaibigan” ay isang makahulugang salita…
    Dahit paano ang “Ibigan” kung wala “Ka”.
  2. Ang liit lang pala ng kamay mo…
    Pero paano mo nahahawakan ang mundo ko?
  3. Bagay sa yo maging amo…
    Inalila mo kasi ang puso ko…
  4. Hindi na ko mahuhulog sa ‘yo..
    Kasi ‘pag kasama na kita, lumulutang na ako…
  5. Arc reactor ka ba?
    Di ako tatagal kapag nawala ka sa dibdib ko.
  6. Ang init ngayon no?
    Dito ka sa puso ko… malamig.
  7. Buti pa email…
    May attachment.
  8. Marunong ka bang mag-ayos ng cellphone?
    Sira yata itong iPhone ko…
    Wala kasi yung number mo…
  9. Bagyo ka ba?
    Kasi the moment you left my area of responsibility
    You leave my heart in the state of calamity…
  10. Para kang algebraic expression
    Minsan mahirap maintindihan
    But when you’re in the simplest form
    The best ka talaga naman
  11. Hindi ka naman camera
    Pero tuwing nakikita kita
    Napapangiti ako.
  12. Inii-SMALL ka ba nila…
    Inii-BIG naman kita
  13. Ang LECture ba pwede maging LAB?
    Kasi I think I LEC you very much.
  14. Parang wala ako sa sarili ko
    Siguro nasa iyo ako.
  15. Ang pag-ibig ko sa iyo’y parang talaba
    Patay na’y nakadikit pa
  16. Itutuwid ko ang landas mo
    Para sa akin ka didiresto.
  17. Di mo pa nga ako binabato
    Tinatamaan na ako sa ‘yo
  18. Kung maging superhero ako,
    Hindi ako si Superman,
    Hindi rin si Batman
    O si Spiderman
    I’m Your Man… KailanMan!
  19. Sana magtaas din ang presyo ko
    Para minsan naman matawag mo din akong mahal.
  20. Nag-review ka na ba?
    Kasi mamaya, pasasagutin na kita.
  21. Matalino ka ba?
    Sige nga, sagutin mo ako.
  22. Nandyan ka na pala?
    Weh? Di nga?
    Kasi kanina na sa puso lang kita
  23. Isa lang naman ang gusto ko ngayong Pasko eh…
    PSP mo…
    Pasko sa Piling mo!
  24. Kahit alam kong lamang ako sa kanya…
    Meron pa rin siya na wala ako – IKAW…
  25. Sana formspring.me na lang ako,
    Para ako naman ang sagutin mo.
  26. Maliit ba ako?
    Di kita maabot eh!
  27. Diabetic ka ba?
    Kasi i’m planning to be the sweetest person for you!
  28. Buti pa ang keyboard ng pc…
    Lagi magkatabi ang U and I…
  29. Calculator ka ba?
    Kasi sa ‘yo pa lang, solved na ako.
  30. Isang beses lang kita minahal…
    Pagkatapos nun, hindi na natapos…
  31. Masasabi mo bang bobo ako…
    Kung ikaw lang laman ng utak ko…
  32. Para kang test paper,
    Nauubos ang oras ko kakatitig lang sa ‘yo.
  33. Para kang ice cream,
    Sweet nga…
    Malamig nga lang…
  34. Hindi naman ako tubig.
    Pero bakit sila uhaw sa ‘kin
  35. Facebook ka ba?
    Gusto kasi kita i-Like eh
  36. Uy, teka lang. Sama ako.
    Sabi kasi nila… “Follow your dreams”
  37. Pakipulot naman yung puso ko…
    Nahulog na kasi sa ‘yo
  38. Alam mo, perfect ka na sana.
    Isa lang ang gusto kong palitan sa ‘yo…
    Apelyido mo.
  39. Nov.1 ngayon ah…
    May dadalawin ka ba?
    Ako na lang dalawin mo!
    Tutal naman patay na patay ako sa ‘yo eh
  40. Sabi nila kasi libre lang mangarap.
    Libre ka ba?
    Ikaw kasi ang pangarap ko eh.
  41. Dalawang beses lang naman kitang nais makasama…
    … Now and Forever
  42. Kodigo ka ba?
    Ikaw kasi ang sagot sa lahat ng tanong ko eh.
  43. Ice ka ba?
    Crush kita eh
  44. Pag-ibig ko sa iyo ay parang opening ng Wowowee…
    Hindi magbabago.
  45. Para kang tindera ng sigarilyo…
    You give me “hope” and… “more”
  46. May ipagtatapat ako sa iyo…
    Ayan nakatapat na…
  47. Kung malungkot ka dahil wala pa siya…
    Isipin mo na lang…
    Malungkot din ako dahil wala ka pa…
  48. Saan mo gusto ikasal?
    Kasi ako… sa tabi mo…
  49. Tatakbo ka ba sa eleksyon?
    Kasi boto mga magulang ko sa iyo eh.
  50. Google ka ba?
    Kasi lahat na ng hinahanap ko
    Nasa iyo na eh.
  51. Sana naging holdaper ka na lang.
    Kasi kahit ano, ibibigay ko.
    Basta ‘wag mo lang akong sasaktan…
  52. Miss, album ka ba?
    Kasi single ako eh.
  53. Lumiliit ka yata?
    Dati kasi lampas ulo kita
    Ngayon nasa puso na kita
  54. Aanhin pa ba ang relo
    Kung titigil din pala ang oras sa ‘yo!
  55. Tumatangkad ka yata ngayon
    Dati hanggang balikat lang kita.
    Ngayon nasa isipan na kita.
  56. Unggoy ka ba?
    Kasi inakyat mo isipan ko.
    Sumabit ka pa sa puso ko!
  57. Kelangan mo ng timba.
    Umaapaw ka kasi sa kagandahan.
  58. Para kang alarm clock…
    Ginising mo ang natutulog kong puso!
  59. Isa lang naman pangarap ko eh…
    Ang maging pangarap mo.
  60. May Band Aid ka ba?
    Kasi nasugatan ako nang nahulog ako sa ‘yo
  61. Tumingin ka sa ‘kin habang nakatingin ako sa ‘yo…
    Para may pagtingin tayo sa isa’t isa.
  62. Sana piso ka na lang
    At 100 pesos naman ako
    Kasi di ako mabubuo ng wala ka
  63. May kandila ka ba jan?
    Pakitirik naman dito sa dibdib ko.
    Para sa puso kong patay na patay sa ‘yo!
  64. Beh, para kang utot.
    Nakakatakot pakawalan…
    Nakakamatay pag ‘pinakawalan!
  65. Banban ba akong shooter?
    Kasi, I keep on missing you!
  66. Maging cactus ka man,
    Handa ako masaktan,
    Mayakap ka lang.
  67. Do not leave your valuable things unattended.
    Kaya dito lang ako sa tabi mo
  68. Baliw man ako sa inyong paningin,
    Subukan mo lang tumingin,
    Mababaliw ka rin
  69. Madumi man akong tingnan
    Malinis nman ako magmahal
  70. Ang taong hindi marunong lumingon sa pinanggalingan.
    Malamang ako ang nasa harapan.
  71. Lakwatsera ka ba?
    Kasi hanggang sa panaginip ko nakakarating ka.
  72. Pwede na ba kitang tubusin?
    Ang laki na kasi ng interest ko sa ‘yo eh!
  73. Apoy ka ba?
    Kasi… ‘alab’ you!
  74. Tayong Dalawa na ba?
    Hindi. May Bukas Pa.
  75. Kung posporo ka, at posporo ako,
    Eh di ‘match’ tayo.
  76. Pag-ibig ko ay de-metro.
    Habang napapalayo man at napapatagal ang nararating natin
    Patuloy akong magmamahal sa ‘yo!
  77. Pwede bang tayo na lang?
    Kakapagod na kasi umupo eh.
  78. Hindi ko naman pinipilit na maging akin ka.
    Ang akin lang, maging sa ‘yo ako.
  79. Hindi ka ba nalulungkot, baby?
    Nag-iisa ka lang kasi sa puso ko eh.
  80. Miss, miss, nilalamig ka na ba?
    Kanina ka pa kasi nakahubad sa isip ko.
  81. May lahi ka ba ni Kokey?
    Kasi you’re out of this world.
  82. Miss, nasasaktan ka ba?
    Saksakan ka kasi ng kagandahan eh.
  83. Alam mo sa tuwing tinetext mo ako…
    Natatanggap ko naman.
  84. Para kang trapik sa EDSA
    ‘Coz I can’t… move… on.
  85. Miss trash can ka ba?
    Tinatanggap mo ba ang isang basurang tulad ko?
  86. Ba’t kailangan mo pang sumabit?
    Kung pwede ka namang mahulog sa akin.
  87. Barilin mo na ako.
    Pero ‘wag sa puso
    Dahil nandito ka… pare!
  88. Ano’ng gusto mo maging paglaki mo?
    Ako, gusto kong maging…
    sa ‘yo!
  89. My friend call me August
    But you can call me on 042229921
  90. Bakit ang guwapo mo ngayon?
    Pautang naman
  91. Bastos ka din ano?
    Pasok ka lang nang pasok.
    Di ka man lang kumakatok sa puso ko.
  92. Top view
    Side view
    Bottom view
    Kahit anong view
    ‘I Love View’
  93. Tinurukan ka ba ng ‘anaesthesia’
    Bakit ‘di mo maramdaman na mahal kita?
  94. Pwede ka ba maghubad?
    Kasi nagtataka lang ako
    Kung paano mo naitatago
    Mga pakpak mo sa likod
  95. Witch ka ba?
    Kasi you cast me under your spell
  96. Aanhin pa ang bahay na bato
    Kung nakatira ka na sa puso ko?
  97. ‘Pag ako nagtayo ng negosyo,
    lahat sila bebentahan ko ng mura.
    Tama na’ng sa ‘yo lang ang magmahal
  98. Ano’ng height mo?
    Pa’no ka nagkasya sa loob ng puso ko?
  99. Para kang table of contents ng isang libro.
    Kasi ikaw ang paksa ng bawat pahina ng buhay ko
  100. Kalawang ka ba?
    Kasi unti-unri mong kinakain ang bakal na puso ko.
  101. Nasa hospital ako ngayon
    Kasi hindi kinaya ng puso ko ang pagmamahal sa ‘yo
  102. Para san pa ang gravity?
    Kung sa ’yo pa lang,
    Nahuhulog na ‘ko?
  103. Pokemon ka ba?
    Kasi I choose you!
  104. Ako nang magbabayad ng tuition fee mo.
    Basta pag-aralan mo lang na mahalin ako.
  105. I will ‘siomai’ love to you, ‘hopia’ love me too
  106. Pagod na pagod ka na ba?
    Maghapon at magdamag ka na kasing tumatakbo sa isipan ko eh.
  107. Ang buhay ko parang nakasakay sa seesaw…
    Kasi pag wala ka, Down ako!…
  108. Grabe, ang dami na ng mga pick-up lines ngayon.
    Wala na nga akong maisip na iba
    Kundi ikaw.
  109. Pustiso ka ba?
    Kasi I can’t smile without you.
  110. Bangin ka ba?
    Nahuhulog kasi ako sa ’yo
  111. Mabilis ka siguro sa mga puzzle.
    Kasi kakasimula pa lang ng araw ko, pero nabuo mo na agad.
  112. Naniniwala ka ba sa love at first sight?
    O gusto mong dumaan ulit ako?
  113. Tumataba ka na yata ha…
    Bumibilog…
    At…
    Unti unting…
    Naging mundo ko…
  114. May sira ata relo ko.
    Kapag ikaw kasi kasama ko, humihinto ang oras.
  115. Nurse ka ba?
    May heart complication kasi ako..
    Either I C U or U C me …
  116. Nasa Hypermarket ka ba?
    Clap clap.
    Because I’m happy to serve you.
  117. May lisensya ka ba?
    ‘Coz you’re driving me crazy.
  118. I forgot your name.
    Can I call you ‘mine’?
  119. Kaya pala walang stars sa langit.
    Kasi nandito ka
  120. Uhhmmm… race track ka ba? …
    Ang ganda ng curves mo!
  121. Magaling ka ba sa algebra?
    Can you subtitute my ‘x’?
  122. Pinaglihi ka ba sa keyboard?
    Kasi type kita.
  123. Kaya mo ba akong murahin?
    Kasi kung hindi, mahalin mo na lang ako.
  124. Miss, may payong ka?
    Umuulan kasi ngayon ng kagandahan.
  125. Lecture mo ba ako?
    Lab kasi kita.
  126. Minamalat na naman ang puso ko.
    Paano kasi, laging sinisigaw ang pangalan mo.
  127. Kapag diniretso ko ba ‘tong daan na ito
    diretso din ba sa puso mo?
  128. Tae ka ba?
    Hindi kita kasi kayang paglaruan
  129. Dadaan pa ba ako sa inyo o
    Didiretso na ako sa puso mo?
  130. Hindi ako mayaman para bilin ang bukas
    Pero handa ako utangin ang kahapon
    Makasama ka lang maghapon…
  131. Password ka sa buhay ko…
    Di kasi kita pweding kalimutan…
    Pero pwede kitang palitan…
  132. Maganda ang gising ko…
    Kasi sinama kita sa pagtulog ko…
  133. Sa ‘yo na lahat ang SSS ko
    Pati PHILHEALTH ko
    Basta akin ang PAG-IBIG mo
  134. Alam mo miss kung alak ka lang
    Mas malaki matitipid ko
    Kc tinititigan pa lang kita
    Tinatamaan na ko eh!!
  135. Para tayong constipated
    Ang sakit kasi kung mahihiwalay tayo eh.
  136. Uy, picture tayo!
    Para ma-develop tayo!
  137. Pwede ba kita maging driver?
    Para ikaw na magpapatakbo ng buhay ko.
  138. Hinde tayo tao. Hinde tayo hayop.
    Bagay tayo. Bagay talaga tayo.
  139. Mahilig ka ba sa asukal?
    Ang tamis kasi ng mga ngiti mo.
  140. Favorite subject mo ba Geometry.
    Kasi kahit saang angle ka tignan ang ganda mo eh!

No comments:

Post a Comment

Like Me on FaceBook!

Google Website Translator Gadget